EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA KABATAAN NGAYON
image credits: https://blog.hootsuite.com/ EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA KABATAAN NGAYON ni Jhamille Ashley Laurio “Sige, wag ka na kumain. Lamunin mo na iyang cellphone mo!” “Maglinis naman kayo dito, parang mayroon kayong katulong ah. Puro kayo ganyan, cellphone, gadget.” “Atupagin mo iyang pag-aaral mo, pasalamat kayo nakapag-aral kayo ngayon, kami noon naghihirap pa, kayo, luho lang, computer, gadget.. nandiyan lahat.” Madalas kong marinig ang mga linyang ito mula sa aking mga magulang. Tunay na napapadali ang ating buhay ngayon sa tulong ng iba’t ibang makabagong teknolohiya. Marami ka nang malalaman, magagawa, matutulungan, at matutunan sa bawat image credits: johnholcroft.com like , bawat tweet , bawat post , bawat tiktok , bawat vlog at iba pa. Lingid sa ating kaalaman, patuloy na yumayabong at lumalaganap ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Ang mundo ay mas nagiging malawak at moderno. Di makakaila na...